![]()
Lima ang sugatan matapos tumama ang Russian drone sa isang Ukrainian TV channel headquarters sa Kyiv, habang live na naka-broadcast ang mga journalist, ayon kay President Volodymyr Zelensky.
Sinabi ng Ukrainian President na ang daytime attack ay bagong pahina ng Russian degradation, kung saan makikita sa ibinahagi nitong mga litrato ang partially collapsed building.
Samantala, limang iba pa ang nasawi sa overnight at daytime Russian strikes sa Kyiv.
Isang babaeng empleyado rin ang binawian ng buhay sa hiwalay na pag-atake sa isang pampasaherong tren sa southern Ukraine.
