dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, KAILANGANG HUMINGI NA RIN NG PERMISO SA KORTE KUNG LALABAS NG BANSA

Loading

Kailangan nang humingi ng permiso sa korte ni Vice President Sara Duterte kung nais niyang bumiyahe palabas ng bansa.
 
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro dahil sa kinakaharap na kasong grave threats ni VP Sara sa Quezon City Regional Trial Court.
 
Kasabay nito, nilinaw ni Castro na hindi napag-uusapan sa Malacañang kung may mababago o gagawing konsiderasyon sakaling humingi ng travel order ng Bise Presidente sa Office of the President.
 
Pero alinsunod anya sa proseso, ang isang taong nahaharap sa kasong kriminal ay nangangailangan ng travel authority mula sa korte. 

About The Author