![]()
Mahigpit pa rin ang pagbabantay ng mga tauhan ng pulisya sa paligid ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City kung saan naka-confine si dating House Speaker Martin Romualdez.
Nabatid na may pinaiiral na shifting schedule sa pagamutan ang mga pulis upang mapanatili ang 24/7 security.
May unit din ng PNP personnel na naka-deploy sa lobby ng pagamutan.
Una na ring nagsagawa ng inspection sa deployment ng kanyang mga tauhan si San Juan Police Chief, Col. Anthony Gantang sa paligid ng pagamutan.
