![]()
Nakabawi ang dollar reserves ng Pilipinas sa five-month high noong Agosto, sa gitna ng tumaas na halaga ng ginto at net earnings mula sa foreign investments.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa 104.813 billion dollars ang gross international reserves (GIR) noong katapusan ng Agosto, na mas mataas ng 1.45% kumpara sa 103.317 billion pesos noong katapusan ng Hulyo.
Ito ang pinakamataas na dollar reserves level ng bansa simula noong Marso kung kailan naitala ang GIR sa 106.636 billion dollars.
Gayunman, mas mababa ito ng 2.13% mula sa 107.098 billion dollars kumpara noong katapusan ng August 2025.
