dzme1530.ph

DK NG SEVENTEEN, IBINAHAGI ANG BUZZ CUT PHOTOS BAGO ANG MILITARY ENLISTMENT

Loading

Ibinahagi ng SEVENTEEN member na si DK ang mensahe niya sa kanyang fans sa araw ng kanyang pagpasok sa mandatory military service.
 
Sa Instagram, nag-post ang South Korean singer ng mga litrato ng kanyang bagong cropped haircut.
 
Ginamit din niya ang Weverse para magpaalam sa CARATs na fandom ng SEVENTEEN, sa araw ng kanyang enlistment.
 
Tiniyak niya sa fans na magiging healthy siya at ligtas na makakabalik.
 
Pinaalalahanan din ni DK ang CARATs na ingatan ang kanilang mga sarili habang siya ay nasa malayo.
 
Aug. 20 nang pumasok sa military service ang kapwa SEVENTEEN member ni DK na si Vernon.
 
Jan. 2025 nang bumisita sa Pilipinas ang K-pop group para sa kanilang “Right Here” concert.

About The Author