dzme1530.ph

SCHEDULE NG IMPEACHMENT COURT PARA SA KASO NI VP SARA, INILATAG

Loading

IPINAALALA ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero ang schedule ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte simula sa susunod na Linggo.
 
Ayon kay Escudero, mananatiling 10am ang pagsisimula ng impeachment trial para sa bong buwan ng Setyembre na susundan ng 2:30 pm na regular sessions ng Senado.
 
Kasama sa schedule ng trial ang September 16 na pagharap ng mga amici curiae o friends of court habang ang September 23 ay oral arguments bago ang botohan kaugnay sa voting threshold.
 
Sususpindihin naman ng Senado ang sesyon sa September 30 upang bigyang daan ang maghapon na impeachment trial sa October 1, 2, 5, 6, 7, 8, 9, 12, 13, 14 at 15.
 
Susupindihin naman ang impeachment trial mula October 16 hanggang November para bigyang daan ang plenary deliberations ng budget.
 
Gayunman, sinabi ni Escudero na susubukan nilang magsingit kahit isang araw ng impeachment trial mula sa November 9.
 
Binigyang-diin ng mga senador na mahalagang matiyak na kasabay ng impeachment trial ay matapos din ang pagganap nila sa kanilang tungkulin sa panukalang 2027 budget.
#1530khz
 

About The Author