dzme1530.ph

NXLED CHAMELEONS, MAKIKIPAGPUKSAAN SA EST COLA PARA SA TITULO SA PVL

Loading

Sasagupain ng Nxled Chameleons ang Est Cola ng Thailand para sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Championship sa Araneta Coliseum, mamayang ala-sais y medya ng gabi.
 
Ito ang kauna-unahang finals appearance ng Nxled simula nang sumali sila sa liga noong 2023.
 
Ang Est Cola naman ay ang ika-apat pa lamang na guest team na nakaabot sa championship match. Sumunod sila sa KingWhale Taipei noong 2022, Kurashiki Ablaze noong 2023, at Kobe Shinwa University noong 2025.
 
Isang sorpresa ang finals appearance ng Nxled matapos makumpleto ang single-round robin match na may 3-2 win-loss record.

About The Author