![]()
Hinigpitan ng Philippine National Police ang seguridad sa paligid ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City kung saan naka-confine si dating House Speaker Martin Romualdez.
Nag-deploy ang PNP ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa loob at labas ng pagamutan kung saan inaresto si Romualdez, kagabi.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, na-confine si Romualdez simula alas-kwatro ng hapon kahapon dahil sa cardiovascular event, unstable blood pressure at anxiety attack.
Wala pa namang nakitang kilalang personalidad o kamag-anak ang bumisita sa kongresista.
Si Romualdez ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa mga umano’y anomalya sa flood control projects.
