![]()
Tumaas ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho noong July kumpara sa sinundang buwan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, naitala sa 6 percent ang jobless rate noong July mula sa 4.9 percent noong June at 5.3 percent sa kaparehong buwan noong isang taon.
Katumbas ito ng 3.14 million ang walang trabaho noong Hulyo.
Ayon kay PSA Undersecretary at National Statistician Claire Dennis Mapa, ito ang highest jobless rate simula noong June 2022.
Samantala, tumaas din ang underemployment rate noong July na naitala sa 12.9 percent mula sa 12.1 percent noong June.
Katumbas ito ng 6.33 million workers na itinuturing na underemployed mula sa 6.11 million noong June at 6.8 million noong isang taon.
Bahagyang bumaba sa 94 percent mula sa 94.7 percent ang employment rate noong Hulyo o katumbas ng 49.21 million ang may trabaho mula sa 46.05 million noong July 2025.
