dzme1530.ph

NORTH KOREA, NAG-DEPLOY NG BARKONG PANDIGMA NA KAYANG MAGLUNSAD NG NAKAMAMATAY NA RETALIATORY STRIKES

Loading

Dumalo si North Korean leader Kim Jong Un sa commissioning ng warship na aniya ay kayang maghatid ng nakamamatay na paghihiganti sa mga kaaway, sa gitna ng patuloy na mga pagbabanta.

Sa ulat ng Korean Central News Agency (KNCA) na pinatatakbo ng gobyerno, pormal na dineploy ang Kang Kon, na isinunod sa pangalan ng North Korean military leader na nasawi sa pakikipaglaban noong Korean War, sa isang seremonya sa eastern Wonsan Port sa Kangwon Province.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Kim na ang warship ay kumakatawan sa “self-respect” at “will” ng North Korea na depensahan ang kanilang mga karapatan at interest.

Idinagdag ng North Korean leader na panahon na para igiit ang kanilang soberanya sa karagatan at sa ilalim ng tubig.

About The Author