dzme1530.ph

YENG CONSTANTINO, INAMIN NA NAG-AUDITION SA SIYA PARA SA SEXBOMB GIRLS

Loading

Ibinunyag ni Yeng Constantino na nag-audition siya para sa SexBomb Girls noong siya ay 14 years old.

Ginawa ng singer-songwriter ang pagbubunyag sa Fast Talk with Boy Abunda, kasabay ng pag-amin na hindi naman talaga siya magaling sumayaw kaya mabuti na lang na hindi siya pumasa.

Idinagdag ni Yeng na kaya naman siya nag-audition ay dahil sa hiling ng kanyang ina na gustong-gusto siya na maging artist.

Aniya, nang mga panahong iyon ay sikat na sikat sina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia, kaya ang sabi ng kanyang ina ay subukan niya.

Inamin ni Yeng na idolo niya ang girl group, at kabilang siya sa mga sinasabing pinalaki ng SexBomb.

About The Author