dzme1530.ph

PINAY TENNIS SUPERSTAR ALEX EALA, SASABAK SA EXHIBITION GAME LABAN KAY JANICE TJEN NG INDONESIA SA DISYEMBRE

Loading

Sasabak si Filipina tennis sensation Alex Eala sa exhibition game laban kay Janice Tjen ng Indonesia sa kanyang homecoming match sa Dec. 8, sa Philippine Arena sa Bulacan.
 
Sa isang video message, sinabi ni Eala na makakalaban niya si Tjen sa exhibition match na pinamagatang “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate” na inorganisa ng Tatler Sports sa pinakamalaking arena sa bansa na may kapasidad na mahigit 50,000.
 
Idinagdag ni Eala na maghanda para sa hindi malilimutang araw ng world-class tennis at pagdiriwang ng national pride, na idinesenyo para magbigay ng inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng Filipino tennis players.
 
Sa kasalukuyan ay No. 18 si Eala sa WTA rankings na pinakamataas sa mga manlalaro mula sa Southeast Asia.
 
Una nang naka-partner ng Pinay tennis ace si Tjen sa doubles event sa Abu Dhabi Open kung saan umabot sila sa semifinals.

About The Author