![]()
Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagre-release ng karagdagang 8.68 billion pesos para sa salary upgrades ng mahigit 93,000 public school personnel ng Department of Education (DepEd).
Sinabi ng DBM na ang additional fund release ay gagamitin sa salary differentials ng 93,344 qualified DepEd personnel, na ang mga posisyon ay ni-reclassify sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) System.
Ayon sa ahensya, gagamitin ang additional 8.68 billion pesos sa pangangailangan para sa pagpapatupad ng fiscal years 2025 at 2026 para sa mga kawani na nabigyan ng Notice of Organization, Staffing, and Compensation Action (NOSCA), at mga appointment.
Inanunsyo rin ng Budget Department na itataas din ng administrasyon ang pondo para sa career advancement ng mga guro sa susunod na taon.
