dzme1530.ph

10 miyembro ng isang pamilya, patay sa mass shooting sa South Africa

Patay ang 10 miyembro ng isang pamilya matapos ang naganap na mass shooting sa Pietermaritzburg City, sa lalawigan ng Kwazulu-Natal, South Africa.

Ayon kay National Police Spokesperson Athlenda Mathe, sinalakay at inambush ng mga hindi pinangalanang suspect ang bahay ng mga biktima na naging sanhi ng pagkasawi ng pitong babae at tatlong lalaki kabilang na ang labingtatlong taong gulang na bata.

Samantala, namatay ang isa sa mga suspek ng insidente, isa ang pinaghahanap pa ng mga otoridad, at dalawa ang kasalukuyang hawak ng mga pulisya.

Binigyang diin naman ng alkalde ng lalawigan sa local media na kailangan nilang palakasin ang kapasidad ng mga police sa lugar. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author