![]()
Muling binigyang-diin ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na mangangailangan sila ng karagdagang pondo kapag napostpone muli ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ipinaliwanag ni Garcia na nagastos na nila ang walong bilyon sa 19.57 billion pesos na budget nila para sa preparasyon sa halalan.
Sinabi ni Garcia na kailangan nilang buksan muli ang voters registration kung hindi matutuloy ang BSKE sa November 2.
Dahil dito, madadagdagan anya ang bilang ng mga botante na mangangailangan ng dagdag na bilang ng mga presinto, guro at iba pang election paraphernalia.
Dahil dito, muling hiniling ng Comelec sa Kongreso na linawin na bago matapos ang September kung ipagpapaliban ang halalan.
