dzme1530.ph

MAHIGIT 2,000 PIECES OF EVIDENCE LABAN KAY DATING PANGULONG DUTERTE, ITINURING NA “INCRIMINATING” NG ICC PROSECUTION

Loading

Ibinunyag ng prosecutors sa International Criminal Court (ICC) na nasa pag-iingat nila ang kabuuang 2,279 pieces of evidence na classified bilang “incriminating” sa kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Tumutukoy ito sa mga ebidensya na maaaring magpatunay na guilty ang akusado.
 
Ang items ay kabilang sa 6,909 pieces of evidence na isiniwalat ng prosecution team bago ang trial ni Duterte sa Nobyembre.
 
Ayon sa notification mula sa prosecution na may petsang Aug. 5, isiniwalat ng panel ang ebidensya, batay sa rules ng korte.
 
Nilagdaan ang notice ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang.
 
Nakatakdang simulan ang main trial laban sa dating pangulo sa kasong crimes against humanity kaugnay sa madugong war on drugs, sa November 30.

About The Author