dzme1530.ph

PANUKALANG 180-MILLION PESO EVACUATION CENTERS SA BAWAT REHIYON, DINEPENSAHAN NG PALASYO

Loading

Ipinagtanggol ng Malakanyang ang paglalaan ng pamahalaan ng lump sum na 180 million pesos sa bawat rehiyon para sa pagtatayo ng evacuation centers.
 
Kasunod ito ng puna ni Senador Panfilo Lacson na kulang sa mahahalagang detalye ang proposed evacuation centers na nasa 2027 National Expenditure Program.
 
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na maraming paraan para makita kung may mga proyektong naponduhan pero hindi nagawa o natapos.
 
Idinagdag ni Castro na hindi na nanaisin pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng ghost projects, gaya ng nangyari sa mga nakaraan at kasalukuyang administrasyon.
 
Ikinabahala ni Lacson na ang mga items na nakasaad sa budget ay maaaring gamitin sa politika o eleksyon.

About The Author