![]()
Tahasang sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, counsel for the public prosecutors, na hindi magandang halimbawa si Vice President Sara Duterte bilang isang lider.
Reaksyon ito ni Kapunan sa nangyaring pamamaril ng isang menor de edad na estudyante sa kapwa niya estudyante sa Ateneo de Zamboanga University bago siya nagbaril sa sarili.
Ayon sa abogado, hindi lamang ang Bise Presidente ang may ‘pattern’ ng “culture of violence” dahilan sa nagsimula pa ito sa kanyang ama.
Saad pa ni Kapunan, “yung kultura ng tatay niya, yung mga extrajudicial killings, kung kaya ang tatay niya ay nasa The Hague ay dahil sa EJK, human rights violation” ay malinaw na halimbawa ng culture of violence.
Kung ano man aniya ang problema ngayon ay kabahagi diyan ang Pangalawang Pangulo dahil sa kanyang violent rhetoric sa halip na maging halimbawa bilang mataas na opisyal.
Tinukoy ni Kapunan, ang mga default reaction ng VP, ang kumontak ng assassin, mag-press conference, magbanta, at ang pag-hire ng assassin sa halagang P5,000 para patayin ang kanyang asawa kapag ito ay nagtaksil ay mga batayan o halimbawa ng hindi magandang lider.
