dzme1530.ph

KASONG ISINAMPA LABAN KAY MARIKINA CONG. MARCY TEODORO, WALANG SAPAT NA BATAYAN, AYON SA MGA RESIDENTE NG LUNGSOD

Loading

IGINIIT ng mga residente sa Marikina City na walang sapat na batayan ang kasong isinampa laban kay Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro.
 
Kasabay nito ang pagkondena sa patuloy na pamumulitika upang anila’y pabagsakin ang kongresista.
 
Sinabi ng Samahan ng mga Angkan sa Marikina na nagdulot ng pagkadismaya sa mga pamilya at komunidad ang paulit-ulit na alegasyon laban kay Teodoro.
 
Ayon sa grupo, hindi madaling mabubura ng mga paratang ang reputasyon ng mambabatas na mahabang pinagsamahan ng mga pamilya, angkan, at komunidad sa kanilang lungsod.
 
Nanawagan din ang grupo na itigil na ang pamumulitika, at iginiit na dapat manatili ang Marikina bilang lungsod na pinaiiral ang dignidad, respeto, at malasakit sa kapwa.
 
Samantala, iginiit ni Atty. Alma Mallonga, legal counsel ni Teodoro, na walang sapat na batayan ang mga reklamong inihain laban sa kongresista at kinuwestyon ang mga pangyayari kaugnay ng inilabas na resolusyon sa kaso.

About The Author