dzme1530.ph

DOH, MAY BAGONG KALIHIM SA KATAUHAN NI DR. EDWIN MERCADO

Loading

Wala pang isang buwan ay muling napalitan ang kalihim ng Department of Health.
 
Ito ay nang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dr. Edwin Mercado bilang bagong DOH Secretary kapalit ng nagbitiw na si Dr. Jose Brittano Pujalte Jr.
 
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nag-resign si Pujalte for medical reason.
 
Bago maitalaga sa DOH, si Mercado ay nagsilbing Acting President at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth mula February 2025.
 
Nagsilbi rin siyang Medical Director sa Daniel O. Mercado Medical Center mula 1998 hanggang 2000 at Presidente at CEO ng ilang pagamutan mula 2000 hanggang 2016.
 
Sinabi ni Castro na inaasahan ng Pangulo na bibigyang prayoridad ng bagong Health Secretary ang kapakanan at kalusugan ng sambayanan.

About The Author