dzme1530.ph

PAGTATALAGA NG BAGONG KALIHIM SA DOH, SUPORTADO

Loading

SUPORTADO ni Senador JV Ejercito ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Dr. Edwin Mercado bilang bagong Health Secretary.
 
Ayon kay Ejercito, umaasa siya na magagamit ni Mercado ang kanyang malawak na karanasan bilang doktor at healthcare executive upang mapalakas pa ang mga reporma sa sistema ng pangangalaga sa kalusugan.
 
Kasabay nito, welcome din kay Ejercito ang pagtatalaga kay Dr. Beverly Ho bilang bagong Presidente at CEO ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
 
Sinabi ng senador na nakatrabaho na niya si Dr. Ho sa pagbuo ng Universal HealthCare Law kung saan nasaksihan niya ang dedikasyon ng doktor sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.
 
Binigyang-diin ng mambabatas na marami pa ring kailangang gawin kabilang na ang pagpapalawak ng zero balance billing, pagpapabuti ng mga benepisyo at package ng PhilHealth at pagpapalaki ng partisipasyon nito sa mga hospital bill.
 
Umaasa si Ejercito na sa pamumuno ni Mercado sa DOH at ni Ho sa PhilHealth, mas maisusulong ang mga layunin ng Universal HealthCare Law na magbigay ng de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
 
Inaasahan din ng senador ang maayos na pakikipagtulungan ng dalawang opisyal sa planong review sa implementasyon ng Universal Health Care Law.

About The Author