![]()
Kinumpirma ni House Speaker Faustino Bojie Dy III na kabilang na sa LEDAC Common Legislative Agenda (CLA) ang Child Online Safety bill at Sierra Madre Conservation measure.
Welcome kay Dy ang pagkakasama ng dalawang panukala na kapwa nag-originate sa Kamara, matapos ang fifth LEDAC meeting ng nagdaang linggo na pinamunuan mismo ni PBBM.
Ayon kay Dy, ang HB No. 9965 o Children’s Social Media Safety Act ay layong pangalagaan ang mga kabataan sa negatibong epekto o maling paggamit sa social media.
Layon nitong magpatupad ng regulatory framework sa access sa social media ng mga kabataan sa paraan ng ‘age verification, strong parental control, platform accountability at digital safety standards.’
Ang HB No. 3538 o Sierra Madre Conservation and Development Act na inakda ni Dy ay para itatag ang unified governance framework para sa Sierra Madre Range.
Mag-adopt ng 25-year development plan, palakasin ang science-based environmental management, at i-promote ang sustainable livelihood para sa mga komunidad na naka-depende ang kabuhayan sa ‘country’s longest range.’
Sa ngayon, umabot na sa 60 ang kabuuang bilang ng LEDAC-CLA bills, at 27 nito ay pasado sa Kamara sa 3rd and final reading.
