![]()
Mahigit 6.5 million na mag-aaral ang naapektuhan ng suspensyon ng in-person classes sa walong rehiyon, sa gitna ng pinagsamang epekto ng habagat at nagdaang bagyong Maymay, ayon sa Department of Education (DepEd).
As of 8 a.m. kanina, nakapagtala ang DepEd ng kabuuang 6,517,252 learners at 288,967 personnel na saklaw ng in-person class suspensions, sa 10,029 public schools mula sa 61 school divisions sa walong rehiyon.
Pinakamarami ang nagsuspinde ng in-person classes sa Central Luzon na may 3,546 schools; sumunod ang Ilocos Region, 2,428; at Cordillera Administrative Region, 1,842.
Sa National Capital Region, 827 ang naapektuhang mga paaralan; sumunod ang CALABARZON, 623; MIMAROPA, 608; Region 2, 92; at Region 6, 63 schools.
Base naman sa Rapid Damage Assessment ng DepEd, 3,924 classrooms ang naiulat na napinsala.
Sa naturang bilang, 2,355 classrooms ang nagtamo ng minor damage, 818 ang mayroong major damage habang 751 ang totally damaged.
