dzme1530.ph

4H PROTOCOL, INACTIVATE NG DEPED SA GITNA NG EPEKTO NG HABAGAT SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL

Loading

Inactivate ng Department of Education (DepEd) ang kanilang 4H Emergency Learning Protocol, sa gitna ng suspensyon ng mga klase sa Metro Manila at iba pang mga lalawigan bunsod ng epekto ng habagat.
 
Sinabi ng DepEd na dapat gamitin ng mga paaralan ang kanilang 4H Protocol na Hinto, Hinga, Hinay, at Hayo.
 
Ito ay para matukoy ang akmang mode of learning, batay sa kaligtasan, kahandaan ng mga mag-aaral, available resources at local conditions.
 
Sa ilalim ng protocol, maaaring suspindihin, pagaanin, iakma, o ipagpatuloy ng mga paaralan ang learning activities.
 
Inihayag ni Education Secretary Sonny Angara na idinesenyo ang framework upang maiwasan ng mga paaralan na magpatupad ng iisang approach sa panahon ng emergencies.

About The Author