![]()
Inanunsyo ng Meralco na mababawasan ng P0.0428 per kilowatt-hour ang kanilang singil sa kuryente para sa billing ngayong Agosto.
Ang bawas-singil ay kasunod ng ilang buwang rate hikes simula noong Hunyo.
Dahil dito, bababa ang overall rate para sa isang typical household ng 14 pesos ang 78 centavos mula sa 14 pesos and 82 centavos per kilowatt-hour noong Hulyo.
Sinabi ng Meralco na ang bawas-singil ay katumbas ng nasa 9 pesos na pagbaba sa electricity bill ng mga tahanang kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour.
Ayon sa power utility, ang main driver ng bawas-singil ay ang inaprubahang refund ng Energy Regulatory Commission (ERC), kung saan ibinawas ang iba pang increases sa ibang bill component.
