![]()
Nakatakdang gampanan nina Mingyu, Seungkwan, at Dino ng SEVENTEEN ang kanilang mandatory military service simula sa Setyembre at Oktubre.
Sa Weverse, inanunsyo ng agency ng K-pop group na Pledis Entertainment na naka-schedule si Mingyu for enlistment sa Sept. 10, habang si Seungkwan at Dino ay magsisimula sa kanilang military service sa Oct. 26.
Nakasaad sa statement na sa sandaling pumasok na sina Mingyu, Seungkwan, at Dino sa military service, ay hindi na sila makakasama sa mga aktibidad ng Seventeen.
Sa kabila nito, ay magpapatuloy pa rin ang kanilang koneksyon sa CARAT sa pamamagitan ng iba’t ibang content na inihanda ng advance.
Samantala, una nang naka-schedule sina Vernon at DK para sa enlistment sa Aug. 20 at Sept. 8.
Nakumpleto na ni Jeonghan ang kanyang military service noong Hunyo, habang sina Wonwoo, Hoshi, at Woozi ay hindi pa tapos sa kanilang duties.
