![]()
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno na manatiling nasa heightened alert sa gitna ng epekto ng habagat.
Ayon sa Malacañang, minomonitor ng Pangulo ang epekto ng habagat partikular sa mga flood-prone areas, gayundin ang pagtaas ng water level sa mga dams at reservoir.
Mahigpit din ang bilin ng Pangulo na magsagawa agad ng preventive measures upang mapangalagaan ang seguridad ng taumbayan at mga kritikal na imprastraktura sa bansa.
Nais din ng Pangulo na magkaroon ng koordinasyon ang mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan sa pagpapalabas ng tubig sa mga dam.
Pinatitiyak ng Punong Ehekutibo sa lahat ang kahandaan na tumugon sa bawat pangangailangan ng mga komunidad sa gitna ng mga pag-ulan.
