![]()
Umakyat na sa walo ang bilang ng mga naiulat na nasawi habang isa ang nawawala dahil sa epekto ng habagat at mga nagdaang Bagyong Luis at Maymay.
Sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga napaulat na nasawi ay kinabibilangan ng dalawa mula sa Rizal bunsod ng rockslide; dalawa sa Batangas matapos malunod at makuryente; dalawa sa Benguet bunsod ng landslides; at dalawa rin sa La Union na nakuryente rin at nalunod.
Nakapagtala rin ang ahensya ng pitong nasugatan sa Benguet dahil sa landslides at vehicular accident, habang isa ang napaulat na nawawala sa Batangas.
As of 6 p.m. kagabi, 124,000 families o 486,000 individuals sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Cordillera Administrative Region ang apektado ng masamang lagay ng panahon.
