![]()
Opisyal na ang pagbabalik ng Queen of All Media na si Kris Aquino
Sa pamamagitan ito ng bagong role sa Netflix Philippines bilang kanilang C.H.I.K.A. o Chief Head of Insights and Kontent Analysis.
Itinuturing ito bilang panibagong milestone sa kanyang unti-unting pagbabalik sa entertainment industry makalipas ang ilang taong hiatus.
Kanina ay ipinasilip ni Kris ang collaboration sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, kung saan makikita ang masayang video ng kanyang pagkakadiskubre sa paghahanap ng Netflix ng kanilang pinakabagong C.H.I.K.A.
Makalipas lamang ang ilang oras ay opisyal na isinapubliko ng Netflix Philippines ang kanilang newest C.H.I.K.A. sa pamamagitan ng Instagram Reel.
Agad itong umani ng positibong reaksyon mula sa fans na matagal nang nag-aabang sa pagbabalik sa screen ng Queen of All Media matapos pansamantalang lumayo sa showbiz para tutukan ang kanyang kalusugan habang nakikipaglaban sa multiple autoimmune diseases.
