![]()
Dumating si Atty. Levito Baligod, abogado ng 18 nagpakilalang ex-bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co, sa Las Piñas Regional Trial Court (RTC) para maglagak ng piyansa.
Kaugnay ito sa kasong perjury laban sa tinaguriang “Maleta Boys” mula sa complainant na nina dating Senator Antonio Trillanes, ML Partylist Rep. Leila de Lima, Bureau of Corrections Chief Gregorio Catapang at dating National Security Adviser Eduardo Año.
Sinabi ni Atty. Baligod na 14 lamang ang pupunta ngayong araw sa korte matapos na mag-recant ang apat nilang kasamahan.
Sinabi naman ng Las Piñas RTC na noong Martes pa lumabas ang warrant laban sa 18-ex bodyguards habang Miyerkules sila naghain ng motion for bail na 18,000 pesos bawat isa.
