dzme1530.ph

EXTRADITION REQUEST NG US PARA KAY APOLLO QUIBOLOY, HINDI OTOMATIKONG DAPAT PAGBIGYAN NG PILIPINAS

Loading

Hindi otomatikong dapat pagbigyan ng gobyerno ng Pilipinas ang hiling ng Estados Unidos na extradition para kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni constitutional law expert Atty. Domingo Cayosa na may mga konsiderasyon pang kailangang timbangin bago pagbigyan ang hiling.
 
Maaari rin aniyang maibalik sa Pilipinas si Quiboloy upang patuloy na harapin ang kanyang mga kaso matapos ang paglilitis sa Estados Unidos.
 
Ang mahirap din aniyang desisyunan dito ay kung parehong guilty ang magiging hatol kay Quiboloy sa mga kaso niya sa Estados Unidos at maging dito sa Pilipinas.

About The Author