dzme1530.ph

RECANTATION NG ILAN SA MGA MALETA BOYS, NAGPATUNAY NG KAWALAN NILA NG KREDIBILIDAD

Loading

Idineklara ni Anti-Corruption Movement Artikulo Onse co-convenor Atty. JV Bautista na muling napatunayan na walang kredibilidad ang labingwalong dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co.
 
Ito ay kasunod ng impormasyon na ilan sa mga ito ang nag-recant o bumawi na ng kanilang testimonya.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Bautista na ang mahirap din dito ay paano matutukoy kung ano ang katotohanan at kasinungalingan sa sinasabi ng mga Maleta Boys.
 
Kasabay nito, iginiit ni Bautista na dapat papanagutin ng gobyerno ang mga nanggugulo sa proseso ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects.

About The Author