dzme1530.ph

ISANG HINIHINALANG ROCKET DEBRIS, NATAGPUAN SA CAGAYAN

Loading

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na isang hinihinalang rocket debris ang narekober sa shoreline ng Barangay Babuyan Claro, Calayan, sa Cagayan.
 
Sa ulat ng PCG, 12:30 p.m. nitong Huwebes nang makatanggap sila ng impormasyon na nakita ng mga residente ang isang unidentified object sa lugar.
 
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, batay sa inspeksyon, walang nakitang markings na magsasabing isa itong rocket debris.
 
Isinailalim na nila sa safekeeping ang unidentified object habang patuloy ang technical assessment.
 
Nanawagan naman ang PCG sa publiko na agad ireport sa mga awtoridad kapag may nakitang unidentified object at iwasan itong hawakan.

About The Author