![]()
Iniulat ng Office of Civil Defense na apat katao na ang nasawi dahil sa epekto ng mga Bagyong Luis at Maymay, gayundin ng pananalasa ng habagat.
Ayon sa OCD, dalawa sa mga nasawi ay dahil sa landslide sa Benguet, habang ang dalawa ay bunsod ng rockslide sa Rodriguez, Rizal.
Isa naman ang nasugatan dahil sa landslide sa Benguet, habang walang naiulat na nawawala.
Umabot naman sa 132,956 individuals o 39,879 families ang apektado mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Zamboanga Peninsula, at Cordillera Administrative Region.
Sa naturang bilang, 6,215 individuals o 2,021 families ang nananatili sa 61 evacuation centers.
