![]()
Naglabas ng kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na arestuhin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Kinumpirma ito ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro nang tanungin kung may standing order ang Pangulo para arestuhin ang senador.
Una nang kumalat ang impormasyon na nasakote na si dela Rosa, subalit pinabulaanan ito ng Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DOJ).
Sinabi ni Castro na ipinauubaya nila sa DOJ at DILG ang usapin dahil ang mga ito ang nakaaalam ng operasyong kinakailangan upang mabilis na maaresto si dela Rosa.
Inisyuhan ng International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest si dela Rosa kaugnay ng kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng war on drugs.
