![]()
Maglalagay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng libreng Wi-Fi sa ilang tourist hotbeds sa bansa, sa pamamagitan ng inilaan nitong mahigit 112 million pesos para sa naturang proyekto.
Dahil dito, naghahanap ang DICT ng internet service provider (ISP) na may satellite capability para makapag-deliver ng 112.43-million-peso Wi-Fi Internet Access in Tourist Spots (WITS).
Ang nabanggit na project ay magbibigay ng libreng internet sa 323 areas na tinukoy bilang hotspots, sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Magkakaroon ng pre-bid conference ang DICT ngayong Huwebes, Aug. 6, habang magbubukas ang bidding sa Aug. 18.
