![]()
Maraming puntos ang naibigay ni State Auditor Roderick Wamil sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng ME Radio TV, inisa-isa ni House Prosecution Panel Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. ang mahahalagang pahayag na ibinigay ni Wamil sa pagharap niya sa impeachment court.
Binanggit ng abogado ang ilang mga pinunto ni Wamil sa maling paraan ng liquidation ng Office of the Vice President at ng Department of Education, gayundin ang mga pinaggamitan ng confidential fund.
Tinukoy din ni Tolosa ang paglilinaw ni Wamil na hindi lamang ang Special Disbursing Officer kundi ang head of agency ang may pananagutan sa budget utilization.
Inaasahan naman ni Tolosa na pagtitibayin pa ng susunod na testigo na si State Auditor Xylene del Campo ang mga nauna nang pahayag ni Wamil.
