![]()
Opisyal nang nagsimula ang 10th Aerobic Gymnastics Asian Championships kasunod ng opening ceremony sa Tagaytay City Velodrome.
Halos 400 gymnasts mula sa labindalawang bansa ang magpapaligsahan sa continental aero gymnastics showcase kung saan nagsisilbing host ang Pilipinas.
Opisyal na idineklara ni Tammy Tagi-Kitagawa, president ng International Gymnastics Federation (FIG) Aerobic Gymnastics Technical Committee, ang pagbubukas ng palaro.
Sa Day 1 ng kompetisyon, kahapon, itinampok ang qualifications para sa youth and junior divisions.
Magtatapos ang 10th Aerobic Gymnastics Asian Championships bukas, Aug. 7, sa Tagaytay City.
