dzme1530.ph

TRANSPORT STRIKE NG GRUPONG MANIBELA, TULOY KAHIT ITATAAS SA 12 PESOS PER LITER ANG FUEL SUBSIDY

Loading

Tuloy ang tatlong araw na transport strike ng grupong Manibela sa Aug. 10 hanggang 12.
 
Sa kabila ito ng anunsyo ng Malacañang na itataas na sa 12 pesos per liter ang fuel subsidy sa mga public utility vehicle drivers.
 
Ayon sa grupo, bagama’t welcome sa kanila ang dagdag na dalawang piso sa subsidiya, hindi naman ito sapat para tugunan ang patuloy na pagtaas ng operating cost ng public transport.
 
Patuloy na iginigiit ng grupo ang pagtataas ng pamasahe na maituturing na direct financial relief sa mga driver.
 
Muli rin nilang iginigiit ang suspensyon ng excise tax at value-added tax (VAT) sa produktong petrolyo.

About The Author