dzme1530.ph

P62-M REWARDS SA LOOB NG 3 QUARTERS NG 2023 NG OVP, NABULGAR SA IMPEACHMENT COURT

Loading

Nabulgar sa ika-12 pagdinig ng impeachment court ang P62-M rewards na nangyari sa loob lamang ng unang tatlong quarter ng 2023.
 
Sa testimonya ng testigong si Roderick Wamil, iniulat ng OVP ang umano’y “successful intelligence o surveillance operation” sa COA nang walang ipinapakitang katibayan.
 
Sa report ng OVP, may P15-M rewards na ipinamahagi mula Feb. 6 to March 29, sinundan ng P12-M mula April 25 to June 30, at nasundan pa ng P35-M mula July 14 to Sept. 30, 2023.
 
Nakasaad sa Joint Circular No. 2015-01 na ang anumang rewards na nagmula sa confidential funds ay maaari lamang ipamahagi kung nasunod ang “specified conditions.”
 
Ang informant ay hindi dapat kawani ng ahensya, aprubado ng head of the agency ang pagbabayad ng reward, at ang pabuya ay direktang may kinalaman sa confidential operations ng ahensya.
 
May isinusumite rin umanong dokumento na naglalaman ng successful information-gathering o surveillance activity.
 
Gayunman, saad ni Wamil, lahat ng ito ay walang naisumite ang OVP sa loob ng dalawang quarters, kaya ang paggamit ng pera ay hindi nagko-comply sa requirement ng Joint Circular.

About The Author