dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, WALANG ISINUMITENG TALAAN NG CONFIDENTIAL ACTIVITIES NA PINAGGAMITAN NG CONFI FUND SA DEPED

Loading

Kinumpirma ni Commission on Audit State Auditor Roderick Wamil na walang isinumiteng listahan ng mga confidential activities si Vice President Sara Duterte sa paggamit nito ng P112.5 million na confidential funds ng Department of Education (DepEd) noong 2023.
 
Sa Day 12 ng impeachment trial, binusisi ang disbursement details ng tig-P37.5 million confidential funds ng DepEd sa first, second, at third quarter ng 2023.
 
Ipinakita sa paglilitis ang tatlong physical at financial plan ng DepEd noong 2023, kung saan pirmado ang lahat ng ito ni VP Duterte, na noo’y DepEd Secretary. Ang mga dokumento ay para sa P37.5 million confidential funds.
 
Batay sa obserbasyon ni Wamil, hindi nakasaad sa dokumento ang listahan ng mga activities na pagbabatayan sa paggamitan ng confidential funds.
 
Iprinisinta sa trial ang mga dokumento kung saan makikitang walang isinumite ang DepEd na listahan ng detalye ng expenditures para sa paggamit ng confidential funds, kabilang dito ang:
 
  • Counter Insurgency Programs na nasa P9.2 million
  • Anti-illegal activities operations na P9.140 million
  • Anti-extremism/terrorism programs na P9.035 million
 
Maging ang mga cash advances ng disbursement vouchers sa tatlong quarters para sa pag-release ng confidential funds ay nilagdaan din ni VP Duterte.
 
Samantala, iprinisinta rin ang tatlong Office of the Vice President liquidation reports kung saan, batay sa COA, hindi nagsumite ang tanggapan ng bise presidente ng documentary evidence para sa mga payments ng third quarter liquidation, na malinaw na paglabag sa Joint Circular 2015-01.
 
Sa ngayon ay isinasailalim na sa cross-examination ng defense panel si Wamil, at ang unang naitanong ay ang paglilinaw sa naging pahayag na hindi lang si Vice President Sara Duterte ang bise presidente na may confidential fund dahil noong 2014 ay mayroon ding inilabas na pondo para sa confidential activities.

About The Author