dzme1530.ph

DC OPEN FINAL SA PAGITAN NILA ALEX EALA AT JESSICA PEGULA, IPAGPAPATULOY MAMAYANG HATINGGABI

Loading

Sinuspinde ngayong araw ang pagpapatuloy ng DC Open final sa pagitan nina Filipina tennis ace Alex Eala at Jessica Pegula ng US.
 
Magpapatuloy ang match mamayang alas-dose ng hatinggabi (oras sa Pilipinas).
 
Nakuha ni Pegula ang unang set sa 6-4 habang lamang si Eala sa pangalawang set sa 2-1, bago itinigil ang laro dahil sa ulan na may kasamang pagkidlat.
 
Una nang na-delay ng tatlong oras ang pagsisimula ng final match dahil sa hindi magandang panahon.
 
Ilang beses ding hindi natuloy ang resumption time bago ito opisyal na sinuspinde ngayong araw.

About The Author