dzme1530.ph

DOH bumisita sa Sison, Pangasinan, bilang bahagi ng ng paglulunsad ng Sulong Kalusugan Caravan

Nagsagawa ng courtesy visit si Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire kasama sina DOH FICT Undersecretary Enrique Tayag, DOH Regional Director Paula Paz Sydiongco sa Sison, Pangasinan bilang bahagi ng paglulunsad ng Sulong Kalusugan Caravan.

Sa pahayag ni Vergeire, tiniyak nito na maibibigay sa lalawigan ang mas maraming serbisyong medikal at dental lalo na sa mga katutubo.

Ayon pa kay Vergeire, magkakaloob ng suporta ang kagawaran sa pamamagitan ng pagpapadala ng higit pang mga doktor sa mga baryo upang tumulong sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan.

Kasunod nito, nagpasalamat ang DOH sa lokal na pamahalaan ng Sison, Pangasinan sa pagtanggap sa kanila, habang nagsusumikap ang kagawaran na magtrabaho para sa mas mahusay na serbisyong publiko. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author