dzme1530.ph

MGA KARAHASAN SA MGA PAARALAN, MAITUTURING NA COPYCAT PHENOMENON

Loading

Naniniwala ang Teachers Dignity Coalition na copycat phenomenon ang nangyayaring karahasan sa mga paaralan.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Benjo Basas, National Chairman ng Teachers Dignity Coalition, na bagama’t ang iba ay trip lang ng ibang bata, mayroon din talagang naitatalang seryosong karahasan.
 
Ilan aniya sa mga nakaaimpluwensiya ay ang napapanood ng mga bata sa internet.
 
Muling iginiit ni Basas na whole-of-society approach ang kailangan sa pagresolba sa mga ganitong insidente.

About The Author