![]()
Bilang tugon sa SONA wish ni PBBM, itinutulak ngayon ni Rep. Marcy Teodoro ng Marikina City na ma-exempt sa Minimum Corporate Income Tax o MCIT ang micro and small corporations.
Nakapaloob ito sa HB No. 10464, na nag-aamyenda sa Section 27 ng National Internal Revenue Code.
Sa paliwanag ni Teodoro, ang “micro and small” enterprises ay “backbone ng ekonomiya” dahil nagbibigay sila ng trabaho at gumagawa ng inobasyon sa mga komunidad.
Kung maging batas ang HB No. 10464, simula January 1, 2027, lahat ng micro at small businesses na inorganisa bilang korporasyon ay hindi na kailangang magbayad ng 2% MCIT.
Para kay Teodoro, magbibigay ito ng meaningful tax relief sa maliliit na korporasyon, at maaaring i-reinvest sa business expansion ang matitipid na buwis at mapataas ang productivity upang makapag-compete.
Kumpiyansa ang kongresista na magreresulta ito ng “remarkable determination” sa maliliit na korporasyon na magpunyagi sa kabila ng maraming economic challenges.
