![]()
Inaasahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na masosolusyunan ang pagbaha sa kahabaan ng Taft Avenue sa Maynila sa loob ng anim hanggang pitong buwan.
Ito ay sa sandaling magsimula ang drainage expansion project sa lugar sa susunod na taon.
Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na ilang dekada nang hindi nababago ang drainage system sa kahabaan ng Taft Avenue at kailangan na itong isailalim sa rehabilitasyon.
Sa pagtataya ni Dizon, 1950s o 1960s pa ang drainage system sa Taft Avenue.
Nadiskubre ng DPWH workers na umabot na sa halos kalahati ng drainage system ang naipong burak at putik, kaya nabawasan ang kapasidad nito sa pag-absorb sa baha.
Humihirit ang ahensya ng 1.5 billion pesos sa ilalim ng proposed 2027 budget para pondohan ang naturang proyekto.
