![]()
Ikinakasa na ng Office of the Ombudsman ang preliminary investigation para sampahan ng kasong plunder at graft charges ang mag-inang Sen. Loren Legarda at Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, ang ihahaing complaints for preliminary investigation ay kaugnay sa solar firm ng kongresista na hindi nito tinupad.
Saklaw din ng charges for preliminary investigation si dating Energy Secretary Alfonso Cusi.
Una nang inihayag ng Department of Energy (DOE) na nabigo ang Solar Philippines na i-produce ang power na ipinangako nitong i-deliver sa napagkasunduang timeline.
Ito ang dahilan kaya kinansela ng ahensya ang iba’t ibang kontrata ng kumpanya at pinatawan ng 24 billion pesos na penalty.
