dzme1530.ph

VP SARA, INAMING WALA SIYANG PROBLEMA KAY PANGULONG MARCOS BILANG TAO

Loading

Inamin ni Vice President Sara Duterte na wala siyang problema kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang tao.
 
Sa panayam sa The Hague, sinabi ni VP Sara na ang problema niya kay Marcos ay bilang presidente.
 
Idinagdag pa ni Duterte na wala silang alitang personal na dalawa.
 
Aniya, para sa kanya ay wala, pero baka sa Pangulo ay mayroon.
 
Binigyang-diin pa ng Bise Presidente na anuman ang kanyang sabihin o komento sa administrasyon at sa gobyerno ngayon ay kanyang right to freedom of speech.

About The Author