![]()
Kinumpirma ni Senador Erwin Tulfo na makikipagpulong sila sa Ombudsman upang linawin ang direksyon ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.
Sinabi ng chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na makikipagpulong siya kasama si Senate President Sherwin Gatchalian kay Ombudsman Boying Remulla sa susunod na linggo upang matukoy kung kailangan pa nila ng hiwalay na imbestigasyon sa flood control o ipauubaya na sa Ombudsman.
Sa kabila nito, tiniyak niya na handa silang magpatawag ng bagong pagdinig kung may mga bagong impormasyon at kung ito rin ang nais ng mga kapwa senador.
Pero mas mapapabilis aniya ang pagsasampa ng kaso kung ang Ombudsman na ang kikilos.
Bukod dito, marami ring nakahanay na trabaho sa Senado, kasama na ang mga panukalang kabilang sa LEDAC priority, ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, at iba pang mga isyu.
