dzme1530.ph

KORTE SA PASIG, NAGLABAS NG TRO SA PAGPAPATUPAD NG 85 PESOS NA UMENTO SA SAHOD NG MGA MANGGAGAWA SA METRO MANILA

Loading

Naglabas ang Pasig Regional Trial Court ng Temporary Restraining Order (TRO) sa implementasyon ng 85 pesos na increase sa minimum wage sa Metro Manila, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
 
Sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na bagaman ikinalungkot niya ang desisyon ng korte, ay irerespeto at susundin ng departamento ang ruling.
 
Inihayag ni Tolentino na bahala na ang korte na magpaliwanag sa batayan ng desisyon habang patuloy na ginagampanan ng DOLE ang mandato nitong pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa, alinsunod sa umiiral na batas.
 
Dalawang construction firms ang naghain ng petisyon sa korte para pigilan ang pagpapatupad ng matagal nang inaasam ng mga manggagawa na umento sa sahod.

About The Author